1. Panginoon, kayo ang Dios na aking Tagapagligtas.Tumatawag ako sa inyo araw-gabi.
2. Dinggin nʼyo ang panalangin ko at sagutin ang aking panawagan.
3. Dahil napakaraming paghihirap na dumarating sa akinat parang mamamatay na ako.
4. Para na akong isang taong nag-aagaw buhay na hindi na matutulungan pa.
5. Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay.Para akong patay na inilagay sa libingan,kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan.
6. Para nʼyo akong inilagay sa napakalalim at napakadilim na hukay.
7. Sobra ang galit nʼyo sa akin, parang mga alon na humahampas sa akin.
8. Inilayo nʼyo sa akin ang aking mga kaibigan at ginawa nʼyo akong kasuklam-suklam sa kanila.Nakulong ako at hindi na makatakas.