Salmo 86:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, dinggin nʼyo at sagutin ang aking panalangin sapagkat akoʼy naghihirap at nangangailangan.

2. Ingatan nʼyo ang buhay ko dahil akoʼy tapat sa inyo.Kayo ang aking Dios, iligtas nʼyo ang inyong lingkod na nagtitiwala sa inyo.

3. Panginoon, maawa kayo sa akin dahil buong araw akong tumatawag sa inyo.

4. Bigyan nʼyo ng kagalakan ang inyong lingkod, Panginoon, dahil sa iyo ako nananalangin.

5. Tunay na napakabuti nʼyo at mapagpatawad,at puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.

6. Pakinggan nʼyo ang aking dalangin, Panginoon.Ang pagsusumamo koʼy inyong dinggin.

7. Tumatawag ako sa inyo sa oras ng kagipitan dahil sinasagot nʼyo ako.

8. Walang dios na katulad nʼyo, Panginoon;walang sinumang makakagawa ng mga ginawa ninyo.

9. Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo.Pupurihin nila ang inyong pangalan,

10. dahil makapangyarihan kayo at ang mga gawa nʼyo ay kahanga-hanga.Kayo ang nag-iisang Dios.

Salmo 86