3. Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.
4. Minsan pa, O Dios, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.
5. Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin,hanggang sa aming mga salinlahi?
6. Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?
7. Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.
8. Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Dios,dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan;iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.
9. Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya,upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.