1. Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel.
2. Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan;inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.
3. Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.
4. Minsan pa, O Dios, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan.Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.
5. Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin,hanggang sa aming mga salinlahi?
6. Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?