Salmo 84:6-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca,iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

7. Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.

8. Panginoong Dios na Makapangyarihan,Dios ni Jacob, pakinggan nʼyo ang aking panalangin!

9. Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol namin,ang hari na inyong pinili.

10. Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar.O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo,O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama.

11. Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin.Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalanHindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

12. O Panginoong Makapangyarihan,mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.

Salmo 84