Salmo 83:9-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Talunin nʼyo sila Panginoon,katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita at kina Sisera at Jabin doon sa Lambak ng Kishon.

10. Namatay sila sa Endor at ang mga bangkay nilaʼy nabulok at naging pataba sa lupa.

11. Patayin nʼyo ang mga pinuno nila katulad ng ginawa ninyo kina Oreb at Zeeb at kina Zeba at Zalmuna.

12. Sinabi nila, “Agawin natin ang lupain ng Dios.”

13. O Dios ko, ikalat nʼyo sila na parang alikabok o ipa na nililipad ng hangin.

16. Hiyain nʼyo sila Panginoon hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo.

17. Sana nga ay mapahiya at matakot sila habang buhay.Mamatay sana sila sa kahihiyan.

18. Para malaman nilang kayo, Panginoon, ang tanging Kataas-taasang Dios sa buong mundo.

Salmo 83