1. O Dios, huwag kayong manahimik.Kumilos po kayo!
2. Masdan ang inyong mga kaaway,maingay silang sumasalakay at ipinagyayabang na mananalo sila.
3. Nagbabalak sila ng masama laban sa inyong mga mamamayan na inyong kinakalinga.
4. Sinabi nila, “Halikayo, wasakin natin ang bansang Israel upang makalimutan na siya magpakailanman.”
5. At nagkasundo sila sa masamang plano nila.Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo.
6. Sila ay mga taga-Edom, mga Ishmaelita, mga taga-Moab, mga Hagreo,
7. mga taga-Gebal, taga-Ammon, taga-Amalek, mga taga-Filistia at mga taga-Tyre.
8. Kumampi rin sa kanila ang Asiria, isang bansang malakas na kakampi ng lahi ni Lot.
9. Talunin nʼyo sila Panginoon,katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita at kina Sisera at Jabin doon sa Lambak ng Kishon.
14-15. Tulad ng apoy na tumutupok sa mga puno sa kagubatan at kabundukan,habulin nʼyo sila ng inyong bagyo at takutin ng malalakas na hangin.