Salmo 82:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!

5. Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi! Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.

6. Sinabi ko na sa inyo na kayo ay mga dios, mga anak ng Kataas-taasang Dios.

7. Ngunit gaya ng ibang mga namumuno ay babagsak kayo, at gaya ng ibang tao ay mamamatay din kayo.”

8. Sige na, O Dios, hatulan nʼyo na ang lahat ng bansa sa mundo, sapagkat sila namaʼy sa inyo.

Salmo 82