Salmo 82:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pinamumunuan ng Dios ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan.Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila.

2. Sinabi niya sa kanila, “Hanggang kailan kayo hahatol ng hindi tama?Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasama?

3. Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila.Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi.

4. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!

Salmo 82