1. Umawit kayo nang may galak sa Dios na nagbibigay sa atin ng kalakasan.Sumigaw kayo nang may tuwa sa Dios ni Jacob!
2. Umawit kayo at tugtugin ang tamburin kasabay ng magandang tunog ng alpa at lira.
3. Patunugin ninyo ang tambuli tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan na ating ipinagdiriwang tuwing kabilugan ng buwan.
4. Dahil isa itong kautusan para sa mga taga-Israel.Itoʼy utos ng Dios ni Jacob.
5. Ibinigay niya ang kautusang ito sa lahi ni Jose nang siyaʼy sumalakay sa lupain ng Egipto.May narinig akong tinig ngunit hindi ko kilala, na nagsasabing,
6. “Pinalaya ko kayo sa pagkaalipin;kinuha ko ang mabibigat ninyong mga bitbit at pasanin.