3. O Dios, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.
4. Panginoong Dios na Makapangyarihan,hanggang kailan ang galit ninyo sa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?
5. Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan, at halos mainom na namin ang aming mga luha.
6. Pinabayaan nʼyong awayin kami ng mga kalapit naming bansaat pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
7. O Dios na Makapangyarihan,ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.
8. Katulad namin ay puno ng ubas,na kinuha nʼyo sa Egipto at itinanim sa lupaing pinalayas ang mga nakatira.
9. Nilinis nʼyo ang lupaing ito at ang puno ng ubas ay nag-ugatat lumaganap sa buong lupain.
10. Nalililiman ng mga sanga nito ang mga bundok at ang malalaking puno ng sedro.
11. Umabot ang kanyang mga sanga hanggang sa Dagat Mediteraneo at hanggang sa Ilog ng Eufrates.
12. Ngunit bakit nʼyo sinira, O Dios, ang bakod nito?Kaya ninanakaw ng mga dumadaan ang mga bunga nito.
13. At kinain din ito ng mga baboy-ramo at iba pang hayop sa gubat.