Salmo 8:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo,at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.

2. Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo,kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.

3. Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha,at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

4. akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin?Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Salmo 8