Salmo 79:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, sinalakay ng mga dayuhan ang lupaing pag-aari ninyo.Nilapastangan nila ang inyong banal na templo at winasak ang Jerusalem.

2. Ipinakain nila sa mababangis na ibon at hayop ang bangkay ng inyong tapat na mga lingkod.

3. Ibinuhos nila ang dugo ng inyong mga mamamayan na parang tubig sa buong Jerusalem,at wala ni isa mang natira sa kanila upang ilibing ang mga namatay.

4. Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan ng mga bansang nasa palibot namin.

5. Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin?Wala na ba itong katapusan?Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong panibugho?

6. Doon nʼyo ibuhos ang inyong galit,sa mga bansa at kaharian na ayaw kumilala at sumamba sa inyo.

7. Dahil pinatay nila ang mga mamamayan nʼyo at winasak ang kanilang mga lupain.

8. Huwag nʼyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno.Sa halip ay iparating nʼyo agad ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na.

Salmo 79