Salmo 78:61-68 Ang Salita ng Dios (ASND)

61. Hinayaan niyang agawin ng mga kaaway ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng kanyang kapangyarihan at kadakilaan.

62. Nagalit siya sa kanyang mga mamamayan kaya ipinapatay niya sila sa kanilang mga kaaway.

63. Sinunog ang kanilang mga binata,kaya walang mapangasawa ang kanilang mga dalaga.

64. Namatay sa labanan ang kanilang mga pari,at ang mga naiwan nilang asawa ay hindi makapagluksa.

65. Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay;at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak.

66. Itinaboy niya at pinaatras ang kanyang mga kaaway;inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.

67. Itinakwil niya ang lahi ni Jose, hindi rin niya pinili ang lahi ni Efraim.

68. Sa halip ay pinili niya ang lahi ni Juda at ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.

Salmo 78