6. upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak.
7. Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Dios at hindi nila makakalimutan ang kanyang ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos,
8. upang hindi sila maging katulad ng kanilang mga ninuno na matitigas ang ulo, suwail, hindi lubos ang pagtitiwala sa Dios, at hindi tapat sa kanya.
9. Tulad ng mga taga-Efraim, bagamaʼt may mga pana sila,pero sa oras naman ng labanan ay nagsisipag-atrasan.
10. Hindi nila sinunod ang kasunduan nila sa Dios,maging ang kanyang mga utos.
11. Nakalimutan na nila ang mga kahanga-hanga niyang ginawa na ipinakita niya sa kanila.
12. Gumawa ang Dios ng mga himala roon sa Zoan sa lupain ng Egipto at nakita ito ng ating mga ninuno.
13. Hinawi niya ang dagat at pinadaan sila roon;ginawa niyang tila magkabilang pader ang tubig.
14. Sa araw ay pinapatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap,at sa gabi naman ay sa pamamagitan ng liwanag ng apoy.
15. Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa.
16. Pinalabas niya ang tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.
17. Ngunit ang ating mga ninuno ay patuloy na nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Dios doon sa ilang.
18. Sinadya nilang subukin ang Dios upang hingin ang mga pagkaing gusto nila.
19. Kinutya nila ang Dios nang sabihin nilang,“Makakapaghanda ba ang Dios ng pagkain dito sa ilang?
20. Oo ngaʼt umagos ang tubig nang hampasin niya ang bato,ngunit makapagbibigay din ba siya ng tinapay at karne sa atin?”