58. Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar.
59. Alam ng Dios ang ginawa ng mga Israelita,kaya nagalit siya at itinakwil sila nang lubusan.
60. Iniwanan niya ang kanyang tolda sa Shilo, kung saan siya nananahan dito sa mundo.
61. Hinayaan niyang agawin ng mga kaaway ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng kanyang kapangyarihan at kadakilaan.
62. Nagalit siya sa kanyang mga mamamayan kaya ipinapatay niya sila sa kanilang mga kaaway.
63. Sinunog ang kanilang mga binata,kaya walang mapangasawa ang kanilang mga dalaga.
64. Namatay sa labanan ang kanilang mga pari,at ang mga naiwan nilang asawa ay hindi makapagluksa.
65. Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay;at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak.
66. Itinaboy niya at pinaatras ang kanyang mga kaaway;inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.
67. Itinakwil niya ang lahi ni Jose, hindi rin niya pinili ang lahi ni Efraim.
68. Sa halip ay pinili niya ang lahi ni Juda at ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.
69. Doon niya ipinatayo ang kanyang templo, katulad ng langit at lupa na matatag magpakailanman.
70-71. Pinili ng Dios si David upang maging lingkod niya.Kinuha siya mula sa pagpapastol ng tupa at ginawang hari ng Israel, ang mga mamamayang kanyang hinirang.