Salmo 78:50-58 Ang Salita ng Dios (ASND)

50. Hindi pinigilan ng Dios ang kanyang poot.Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan.Sa halip ay pinatay sila sa pamamagitan ng mga salot.

51. Pinatay niyang lahat ang mga panganay na lalaki sa Egipto na siyang lugar ng lahi ni Ham.

52. Ngunit inilabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na katulad ng mga tupa at pinatnubayan sila na parang kanyang kawan sa ilang.

53. Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot.Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat.

54. Dinala sila ng Dios sa lupain na kanyang pinili,doon sa kabundukan na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

55. Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon,at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel para maging pag-aari nila at maging tirahan.

56. Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Dios,naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos.

57. Tumalikod sila sa Dios kagaya ng kanilang mga ninuno.Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan.

58. Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar.

Salmo 78