25. Kinain nila ang pagkain ng mga anghel, at binigyan sila nito ng Dios hanggaʼt gusto nila.
26. Pinaihip niya ang hangin mula sa silangan at sa timog sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
27. Pinaulanan din sila ng napakaraming ibon, na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat.
28. Pinadapo niya ang mga ito sa palibot ng kanilang mga tolda sa kampo.
29. Kaya kumain sila hanggang sa mabusog, dahil ibinigay sa kanila ng Dios ang gusto nila.
30. Ngunit habang kumakain sila at nagpapakabusog,
31. nagalit ang Dios sa kanila.Pinatay niya ang makikisig na mga kabataan ng Israel.
32. Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Dios sa kanila,nagpatuloy pa rin sila sa pagkakasala.Kahit na gumawa siya ng mga himala,hindi pa rin sila naniwala.
33. Kaya agad niyang winakasan ang buhay nila sa pamamagitan ng biglaang pagdating ng kapahamakan.
34. Nang patayin ng Dios ang ilan sa kanila,ang mga natira ay lumapit na sa kanya,nagsisi at nagbalik-loob sa kanya.
35. At naalala nila na ang Kataas-taasang Dios ang kanilang Bato na kanlungan at Tagapagligtas.