12. Gumawa ang Dios ng mga himala roon sa Zoan sa lupain ng Egipto at nakita ito ng ating mga ninuno.
13. Hinawi niya ang dagat at pinadaan sila roon;ginawa niyang tila magkabilang pader ang tubig.
14. Sa araw ay pinapatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap,at sa gabi naman ay sa pamamagitan ng liwanag ng apoy.
15. Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa.
16. Pinalabas niya ang tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.
17. Ngunit ang ating mga ninuno ay patuloy na nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Dios doon sa ilang.
18. Sinadya nilang subukin ang Dios upang hingin ang mga pagkaing gusto nila.
19. Kinutya nila ang Dios nang sabihin nilang,“Makakapaghanda ba ang Dios ng pagkain dito sa ilang?
20. Oo ngaʼt umagos ang tubig nang hampasin niya ang bato,ngunit makapagbibigay din ba siya ng tinapay at karne sa atin?”
21. Kaya nang marinig ito ng Panginoon nagalit siya sa kanila.Nag-apoy sa galit ang Panginoon laban sa lahi ni Jacob,
22. dahil wala silang pananampalataya sa kanya, at hindi sila nagtitiwala na ililigtas niya sila.
23. Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit,
24. at pinaulanan sila ng pagkain na tinatawag na manna.Ibinigay ito sa kanila upang kainin.