13. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan.Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo.
14. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala.Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.
15. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose.
16. Ang mga tubig, O Dios ay naging parang mga taong natakot at nanginig nang makita kayo.
17. Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan,kumulog sa langit at kumidlat kung saan-saan.
18. Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin;ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo, at nayanig ang buong daigdig.
19. Tinawid nʼyo ang karagatang may malalaking alon,ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo ay hindi nakita.
20. Sa pamamagitan nina Moises at Aaron,pinatnubayan nʼyo ang inyong mga mamamayan na parang mga tupa.