1. Tumawag ako nang malakas sa Dios.Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang mapakinggan.
2. Sa panahon ng kahirapan, nananalangin ako sa Panginoon.Pagsapit ng gabi nananalangin akong nakataas ang aking mga kamay, at hindi ako napapagod,ngunit wala pa rin akong kaaliwan.
3. Kapag naaalala ko ang Dios,napapadaing ako at para bang nawawalan na ng pag-asa.
4. Hindi niya ako pinatutulog,hindi ko na alam ang aking sasabihin, dahil balisang-balisa ako.
5. Naaalala ko ang mga araw at taong lumipas.
6. Naaalala ko ang mga panahong umaawit ako sa gabi.Nagbubulay-bulay ako at tinatanong ang aking sarili:
7. “Habang buhay na ba akong itatakwil ng Panginoon?Hindi na ba siya malulugod sa akin?
8. Nawala na ba talaga ang pag-ibig niya para sa akin?Ang kanyang pangako ba ay hindi na niya tutuparin?
9. Nakalimutan na ba niyang maging maawain?Dahil ba sa kanyang galit kaya nawala na ang kanyang habag?”
10. At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Dios.”