7. Kaya dapat kayong katakutan.Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?
8. Mula sa langit ay humatol kayo.Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik
9. nang humatol kayo, O Dios,upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10. Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao ay magbibigay ng karangalan sa inyo,ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit.
11. Mangako kayo sa Panginoon na inyong Dios at tuparin ito.Lahat kayong mga bansang nasa paligid, magdala kayo ng mga regalo sa Dios na siyang karapat-dapat katakutan.
12. Ibinababa niya ang mapagmataas na mga pinuno;kinatatakutan siya ng mga hari rito sa mundo.