Salmo 75:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, nagpapasalamat kami sa inyo.Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin.Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.

2. Sinabi nʼyo O Dios, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang may katuwiran.”

3. Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.

4. Sinasabi ko sa mga hambog, “Huwag kayong magyabang”at sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang inyong kakayahan.

5. Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki na kayo ay nanalo at magpakumbaba na kayo.”

6. Dahil ang tagumpay ng taoʼy hindi nagmumula sa kung saan-saan,

7. kundi sa Dios lamang.Siya ang humahatol;kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas.

Salmo 75