9. Wala nang palatandaan na kasama namin kayo.Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.
10. O Dios, hanggang kailan kayo kukutyain ng aming mga kaaway?Papayagan nʼyo ba silang lapastanganin ang inyong pangalan habang buhay?
11. Bakit wala kayong ginagawa?Kumilos na kayo!Puksain nʼyo na sila!
12. Kayo, O Dios, ang aming Hari mula pa noong una.Paulit-ulit nʼyo nang iniligtas ang mga tao sa mundo.
13. Hinati nʼyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at dinurog ang ulo ng mga dambuhalang hayop sa dagat.
14. Dinurog nʼyo ang ulo ng dragon na Leviatan at ipinakain ang bangkay nito sa mga hayop sa ilang.
15. Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.
16. Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.
17. Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundoat lumikha ng tag-araw at taglamig.
18. Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway.Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.
19. Huwag nʼyong ibigay sa kanilang mga kaaway na parang mababangis na hayop ang inyong mga mamamayan na parang kalapati.Huwag nʼyong lubusang kalimutan ang inyong mga mamamayan na laging inaapi.
20. Alalahanin nʼyo ang kasunduan ninyo sa amin,dahil laganap ang kalupitan sa madidilim na lugar ng lupaing ito.