7. Nilapastangan at sinunog nila ang inyong tahanan.
8. Sinabi nila sa kanilang sarili, “Lipulin natin silang lahat!”Sinunog nila ang lahat ng lugar na pinagsasambahan sa inyo, O Dios.
9. Wala nang palatandaan na kasama namin kayo.Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.
10. O Dios, hanggang kailan kayo kukutyain ng aming mga kaaway?Papayagan nʼyo ba silang lapastanganin ang inyong pangalan habang buhay?
11. Bakit wala kayong ginagawa?Kumilos na kayo!Puksain nʼyo na sila!
12. Kayo, O Dios, ang aming Hari mula pa noong una.Paulit-ulit nʼyo nang iniligtas ang mga tao sa mundo.
13. Hinati nʼyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at dinurog ang ulo ng mga dambuhalang hayop sa dagat.
14. Dinurog nʼyo ang ulo ng dragon na Leviatan at ipinakain ang bangkay nito sa mga hayop sa ilang.
15. Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.
16. Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.