15. Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.
16. Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.
17. Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundoat lumikha ng tag-araw at taglamig.
18. Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway.Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.
19. Huwag nʼyong ibigay sa kanilang mga kaaway na parang mababangis na hayop ang inyong mga mamamayan na parang kalapati.Huwag nʼyong lubusang kalimutan ang inyong mga mamamayan na laging inaapi.
20. Alalahanin nʼyo ang kasunduan ninyo sa amin,dahil laganap ang kalupitan sa madidilim na lugar ng lupaing ito.
21. Huwag nʼyong payagang mapahiya ang mga mahihirap at nangangailangan.Purihin sana nila kayo.
22. Sige na po, O Dios, ipagtanggol nʼyo ang inyong karangalan.Alalahanin nʼyo kung paano kayo laging hinihiya ng mga hangal na ito.
23. Huwag nʼyong balewalain ang walang tigil na paghiyaw ng inyong mga kaaway upang ipakita ang kanilang galit.