Salmo 73:3-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Nainggit ako nang makita ko na ang mayayabang at masasama ay umuunlad.

4. Malulusog ang kanilang mga katawanat hindi sila nahihirapan.

5. Hindi sila naghihirap at nababagabag na tulad ng iba.

6. Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.

7. Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan,at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.

8. Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba.Mayayabang sila at nagbabantang manakit.

9. Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao.

10. Kaya kahit na ang mga mamamayan ng Dios ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang mga sinasabi nila.

11. Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Dios?Walang alam ang Kataas-taasang Dios.”

12. Ganito ang buhay ng masasama:wala nang problema, yumayaman pa.

13. Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan?

14. Nagdurusa ako buong araw.Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.

15. Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan.

16. Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito,ngunit napakahirap.

17. Pero nang pumunta ako sa inyong templo,doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.

Salmo 73