Salmo 73:16-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito,ngunit napakahirap.

17. Pero nang pumunta ako sa inyong templo,doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.

18. Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan,at ibinabagsak sa kapahamakan.

19. Bigla silang mapapahamak;mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.

20. Para silang isang panaginip na pagsapit ng umaga ay wala na.Makakalimutan na sila kapag pinarusahan nʼyo na.

21. Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,

22. para akong naging hayop sa inyong paningin,mangmang at hindi nakakaunawa.

23. Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at inakay nʼyo ako.

24. Ginagabayan ako ng inyong mga payo,at pagkatapos ay tatanggapin nʼyo ako bilang isang pangunahing pandangal.

25. Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang.At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.

26. Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan.Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

27. Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak.Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.

Salmo 73