Salmo 73:12-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. Ganito ang buhay ng masasama:wala nang problema, yumayaman pa.

13. Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan?

14. Nagdurusa ako buong araw.Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.

15. Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan.

16. Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito,ngunit napakahirap.

17. Pero nang pumunta ako sa inyong templo,doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.

18. Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan,at ibinabagsak sa kapahamakan.

19. Bigla silang mapapahamak;mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.

20. Para silang isang panaginip na pagsapit ng umaga ay wala na.Makakalimutan na sila kapag pinarusahan nʼyo na.

21. Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,

Salmo 73