Salmo 72:3-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Sumagana sana ang mga kabundukan upang mapagpala ang inyong mga mamamayan dahil matuwid ang hari.

4. Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol ang mga dukhaat durugin ang mga umaapi sa kanila.

5. Manatili sana siya magpakailanman,habang may araw at buwan.

6. Maging tulad sana siya ng ulan na dumidilig sa lupa.

7. Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid sa panahon ng kanyang pamumuno,at maging maayos ang kalagayan ng tao hanggang sa wakas ng panahon.

8. Lumawak sana nang lumawak ang kanyang kaharian,mula sa ilog ng Eufrates hanggang sa pinakadulo ng mundo.

9. Magpasakop sana sa kanya ang mga kaaway niyang nakatira sa ilang.

10. Magbigay sana ng mga kaloob sa kanya ang mga hari ng Tarshish,ng malalayong isla, ng Sheba at Seba.

11. Magpasakop sana ang lahat ng hari sa kanyaat ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.

12. Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukhana humingi ng tulong sa kanya.

13. Kahahabagan niya ang mga dukha at nangangailangan at silaʼy kanyang tutulungan.

14. Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.

15. Mabuhay sana ang hari nang matagal.Sanaʼy mabigyan siya ng ginto mula sa Sheba.Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao na pagpalain siya ng Dios.

Salmo 72