1. O Dios, ituro nʼyo po sa hari ang iyong pamamaraan sa paghatol at katuwiran,
2. para makatarungan siyang makapaghatol sa inyong mga mamamayan, pati na sa mga dukha.
3. Sumagana sana ang mga kabundukan upang mapagpala ang inyong mga mamamayan dahil matuwid ang hari.
4. Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol ang mga dukhaat durugin ang mga umaapi sa kanila.
5. Manatili sana siya magpakailanman,habang may araw at buwan.
6. Maging tulad sana siya ng ulan na dumidilig sa lupa.