Salmo 71:6-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan.Pupurihin ko kayo magpakailanman.

7. Naging halimbawa ang buhay ko para sa marami,dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

8. Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

9. Huwag nʼyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na.Huwag nʼyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

10. Dahil nag-uusap-usap ang aking mga kaaway at nagpaplano na akoʼy patayin.

11. Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Dios,kaya habulin natin siya at dakpin dahil wala namang magliligtas sa kanya.”

12. O Dios ko, huwag nʼyo po akong layuan;at agad akong tulungan.

13. Nawa silang nagpaparatang sa akin ay mapahiya at mapahamak.Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.

14. Ngunit ako, O Dios ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.

15. Maghapon kong sasabihinna matuwid kayo at nagliligtas,kahit na hindi ko lubusang maunawaan.

16. Pupunta ako sa inyong templo Panginoong Diosat pupurihin ko ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan.

17. O Dios, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon,inihahayag ko ito sa mga tao.

Salmo 71