Salmo 71:2-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Tulungan nʼyo ako at iligtas sapagkat ikaw ay matuwid.Dinggin nʼyo ako at iligtas.

3. Kayo ang aking maging batong kanlungan na lagi kong malalapitan.Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.

4. O Dios ko, iligtas nʼyo ako mula sa kamay ng masasama at malulupit na tao.

5. Kayo ang aking pag-asa, O Panginoong Dios.Mula noong akoʼy bata pa, nagtiwala na ako sa inyo.

6. Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan.Pupurihin ko kayo magpakailanman.

7. Naging halimbawa ang buhay ko para sa marami,dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

8. Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

9. Huwag nʼyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na.Huwag nʼyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

10. Dahil nag-uusap-usap ang aking mga kaaway at nagpaplano na akoʼy patayin.

11. Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Dios,kaya habulin natin siya at dakpin dahil wala namang magliligtas sa kanya.”

Salmo 71