Salmo 71:12-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. O Dios ko, huwag nʼyo po akong layuan;at agad akong tulungan.

13. Nawa silang nagpaparatang sa akin ay mapahiya at mapahamak.Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.

14. Ngunit ako, O Dios ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.

15. Maghapon kong sasabihinna matuwid kayo at nagliligtas,kahit na hindi ko lubusang maunawaan.

16. Pupunta ako sa inyong templo Panginoong Diosat pupurihin ko ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.Ihahayag ko sa mga tao na kayo ay makatarungan.

17. O Dios, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon,inihahayag ko ito sa mga tao.

18. At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok,huwag nʼyo akong pabayaan, O Dios.Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon,at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.

19. O Dios, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan ng lubusan.Kahanga-hanga ang inyong mga gawa.Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

20. Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay.Katulad koʼy patay na muli nʼyong bubuhayin.

21. Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan,at muli akong aaliwin.

22. O Dios ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa.O Banal na Dios ng Israel,aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.

23. Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtogat umaawit ng papuri sa inyo.

24. Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwid dahil nabigo at nalagay sa kahihiyan ang mga nagnais na mapahamak ako.

Salmo 71