Salmo 69:8-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko,parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.

9. Dahil sa labis-labis na pagpapahalaga ko sa inyong templo, halos mapahamak na ako.Tuwing iniinsulto kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.

10. Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, hinihiya nila ako.

11. Kapag nakadamit ako ng sako upang ipakita ang aking pagdadalamhati,ginagawa nila akong katatawanan.

12. Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang bayan.At ang mga lasing ay kumakatha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.

13. Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon.Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin.Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,

14. tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan.Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.

15. Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon at mamatay.

Salmo 69