Salmo 69:6-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. O Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ng Israel,huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.

7. Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan.

8. Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko,parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.

9. Dahil sa labis-labis na pagpapahalaga ko sa inyong templo, halos mapahamak na ako.Tuwing iniinsulto kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.

10. Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, hinihiya nila ako.

11. Kapag nakadamit ako ng sako upang ipakita ang aking pagdadalamhati,ginagawa nila akong katatawanan.

Salmo 69