Salmo 69:27-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.

28. Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhayat huwag isama sa talaan ng mga matuwid.

29. Nasasaktan ako at nagdurusa,kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Dios.

30. Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit.Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

31. Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.

32. Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila.Lahat ng lumalapit sa Dios ay magagalak.

33. Dinidinig ng Panginoon ang mga dukhaat hindi niya nalilimutan ang mga mamamayan niyang nabihag.

34. Purihin ninyo ang Dios kayong lahat ng nasa langit,nasa lupa at nasa karagatan.

35. Dahil ililigtas ng Dios ang Jerusalem at muli niyang itatayo ang mga lungsod ng Juda.At doon titira ang kanyang mga mamamayan at aariin ang lupain na iyon.

36. Mamanahin ito ng kanilang lahiat ang mga umiibig sa Dios ay doon maninirahan.

Salmo 69