Salmo 69:22-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Habang kumakain sila at nagdiriwang,mapahamak sana sila at ang kanilang mga kasama.

23. Mabulag sana sila at laging manginig.

24. Ibuhos at ipakita nʼyo sa kanila ang inyong matinding galit.

25. Iwanan sana nila ang mga toldang tinitirhan nilapara wala nang tumira sa mga ito.

26. Dahil inuusig nila ang mga taong inyong pinarurusahan,at ipinagsasabi sa iba ang paghihirap na nararanasan ng mga ito.

27. Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.

28. Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhayat huwag isama sa talaan ng mga matuwid.

29. Nasasaktan ako at nagdurusa,kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Dios.

30. Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit.Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

31. Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.

32. Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila.Lahat ng lumalapit sa Dios ay magagalak.

33. Dinidinig ng Panginoon ang mga dukhaat hindi niya nalilimutan ang mga mamamayan niyang nabihag.

34. Purihin ninyo ang Dios kayong lahat ng nasa langit,nasa lupa at nasa karagatan.

Salmo 69