14. tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan.Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.
15. Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon at mamatay.
16. Sagutin nʼyo ako, Panginoon,dahil sa inyong kabutihan at pagmamahal sa akin.Kahabagan nʼyo ako at bigyang pansin.
17. Huwag kayong tumalikod sa akin na inyong lingkod.Sagutin nʼyo agad ako dahil nasa kagipitan ako.
18. Lumapit kayo sa akin at iligtas ako sa aking mga kaaway.
19. Alam nʼyo kung paano nila ako hinihiya at iniinsulto.Alam nʼyo rin kung sino ang lahat ng kaaway ko.
20. Nasaktan ako sa kanilang panghihiya sa akinat sumama ang loob ko.Naghintay ako na may dadamay at aaliw sa akin,ngunit wala ni isa man.
21. Nilagyan nila ng lason ang aking pagkain at nang akoʼy mauhaw binigyan nila ako ng suka.
22. Habang kumakain sila at nagdiriwang,mapahamak sana sila at ang kanilang mga kasama.
23. Mabulag sana sila at laging manginig.
24. Ibuhos at ipakita nʼyo sa kanila ang inyong matinding galit.
25. Iwanan sana nila ang mga toldang tinitirhan nilapara wala nang tumira sa mga ito.