Salmo 68:7-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. O Dios, nang pangunahan nʼyo sa paglalakbay sa ilang ang inyong mga mamamayan,

8. nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan sa inyong harapan,O Dios ng Israel na nagpahayag sa Sinai.

9. Nagpadala kayo ng masaganang ulan at ang lupang tigang na ipinamana nʼyo sa inyong mga mamamayan ay naginhawahan.

10. Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loob ay binigyan nʼyo ang mga mahihirap ng kanilang mga pangangailangan.

11. Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe,at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan:

12. “Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo!Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babae ng Israel.

13. Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayopay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ngkalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilakat ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”

14. Nang ikalat ng makapangyarihang Dios ang mga haring iyon,pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon.

15. Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan; maraming taluktok ang bundok na ito.

16. Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Dios bilang maging tahanan niya magpakailanman?

17. Dumating ang Panginoong Dios sa kanyang templo mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe.

18. Nang umakyat siya sa mataas na lugar, marami siyang dinalang bihag.Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao, pati na sa mga naghimagsik sa kanya.At doon maninirahan ang Panginoong Dios.

19. Purihin ang Panginoon,ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.

20. Ang ating Dios ang siyang Dios na nagliligtas!Siya ang Panginoong Dios na nagliligtas sa atin sa kamatayan.

21. Tiyak na babasagin ng Dios ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.

22. Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan;pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,

Salmo 68