27. Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin,kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi,at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Naftali.
28. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
29. Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.
30. Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban.Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guyahanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo.Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.
31. Magpapasakop ang mga taga-Egipto sa inyo.Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32. Umawit kayo sa Dios, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo.Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
33. na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula.Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.