25. Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog;at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
26. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios sa inyong mga pagtitipon!Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mula sa lahi ng Israel.”
27. Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin,kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi,at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Naftali.
28. O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
29. Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.
30. Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban.Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guyahanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo.Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.
31. Magpapasakop ang mga taga-Egipto sa inyo.Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32. Umawit kayo sa Dios, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo.Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
33. na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula.Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.
34. Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Dios na naghahari sa buong Israel.Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
35. Kahanga-hanga ang Dios ng Israel habang siyaʼy lumalabas sa kanyang banal na tahanan.Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasan ang kanyang mga mamamayan.Purihin ang Dios!