Salmo 68:2-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Itaboy sana sila ng Dios gaya ng usok na tinatangay ng hangin.Mamatay sana sa harapan niya ang mga masasama, gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.

3. Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.

4. Awitan ninyo ang Dios,awitan ninyo siya ng mga papuri.Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.Ang kanyang pangalan ay Panginoon.Magalak kayo sa kanyang harapan!

5. Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.

6. Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay.Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalananat binibigyan sila ng masaganang buhay.Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.

7. O Dios, nang pangunahan nʼyo sa paglalakbay sa ilang ang inyong mga mamamayan,

Salmo 68