7. Maghahari ang Dios ng walang hanggansa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan,kaya ang mga sumusuway sa kanyaay hindi dapat magmalaki sa kanilang sarili.
8. Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios!Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.
9. Iningatan niya ang ating buhayat hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.
10. O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok,na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak.
11. Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitagat pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin.
12. Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha.Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.