Salmo 66:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Ang lahat ng tao sa buong mundo ay sasamba sa inyona may awit ng papuri.”

5. Halikayo at tingnan ang kahanga-hangang ginawa ng Dios para sa mga tao.

6. Pinatuyo niya ang dagat;tinawid ito ng ating mga ninuno na naglalakad.Tayoʼy mangagalak sa kanyang mga ginawa.

7. Maghahari ang Dios ng walang hanggansa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Mga bansaʼy kanyang pinagmamasdan,kaya ang mga sumusuway sa kanyaay hindi dapat magmalaki sa kanilang sarili.

8. Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios!Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

9. Iningatan niya ang ating buhayat hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

Salmo 66