Salmo 65:9-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan.Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito.Ang mga ilog, O Dios, ay patuloy nʼyong pinaaagos.Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao.Ganito ang itinakda ninyo.

10. Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkalhanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig.Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

11. Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan,at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

12. Kahit na ang ilang ay naging pastulan dahil sagana sa mga damo at ang mga burol ay parang mga taong puno ng kagalakan.

13. Ang mga parang ay punong-puno ng mga grupo ng tupa at kambing at pawang mga pananim ang makikita sa kapatagan.Ang lahat ng mga lugar na ito ay parang mga taong umaawit at sumisigaw sa kagalakan.

Salmo 65