Salmo 65:8-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa,namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar.Mula sa silangan hanggang kanluran,ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.

9. Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan.Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito.Ang mga ilog, O Dios, ay patuloy nʼyong pinaaagos.Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao.Ganito ang itinakda ninyo.

10. Pinaulanan nʼyong mabuti ang lupang binungkalhanggang sa itoʼy lumambot at mapuno na ng tubig.Pagkatapos ay pinagpapala nʼyo ang mga pananim.

11. Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan,at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

12. Kahit na ang ilang ay naging pastulan dahil sagana sa mga damo at ang mga burol ay parang mga taong puno ng kagalakan.

Salmo 65