Salmo 65:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, marapat ka naming purihin sa Zion!Ang mga ipinangako namin sa inyo ay aming tutuparin.

2. Sa inyo lalapit ang lahat ng tao,dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.

3. Napakarami ng aming kasalanan,ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.

4. Mapalad ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong templo.Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan,ang inyong banal na templo.

5. O Dios na aming Tagapagligtas,tinugon nʼyo ang aming mga dalanginsa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang pagliligtas sa amin.Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.

6. Itinatag nʼyo ang mga bundoksa pamamagitan ng inyong lakas. Tunay ngang kayoʼy makapangyarihan.

7. Pinatatahimik nʼyo ang ingay ng mga alon,ang hampas ng karagatan,at ang pagkakagulo ng mga tao.

Salmo 65