Salmo 64:5-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Hinihikayat nila ang isaʼt isa na gumawa ng kasamaanat pinag-uusapan nila kung saan maglalagay ng bitag.Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.”

6. Nagpaplano sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!”Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!

7. Ngunit papanain sila ng Dios at bigla na lang silang masusugatan.

8. Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang sinabi,kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.

9. At lahat ng tao ay matatakot.Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Dios at ipahahayag ito sa iba.

10. Magagalak at manganganlong sa Panginoon ang lahat ng matuwid.At magpupuri sa kanya ang mga gumagawa ng tama.

Salmo 64