Salmo 61:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panawagan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

2. Mula sa dulo ng mundo,tumatawag ako sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa.Dalhin nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

3. dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

4. Hayaan nʼyo akong tumira sa inyong templo magpakailanmanat ingatan nʼyo ako tulad ng manok na nag-iingat ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.

Salmo 61